Monday, April 26, 2010

Villar Answers Back

Dr. Prospero E. de Vera

In the interest of fair play, and since the level of black propaganda in this electoral campaign has reached a nauseating level never before experienced in our country, I am publishing this material which is now circulating in the internet.

DIRECT TALK FROM MANNY VILLAR

Hindi daw siya magnanakaw. Pero bakit siya nagsisinungaling? Hindi ba’t kapatid ng magnanakaw ang sinungaling.

Sa napakatagal na panahon ay nanahimik ako. Naniwala at patuloy akong naniniwalang may mas mahahalaga pang isyung dapat harapin sa halalang ito kaysa sa magbatuhan ng putik, lalo na kung ito’y pawang kasinungalingan lamang.

He claims he is the son of heroes. Heir to the legacy of his parents, their courage, and integrity. Ngunit bakit siya nagtatago sa likod ng black propaganda? Hindi ba’t utang din niya sa sambayanan ang ipaalam sa mamamayan ang kanyang plataporma, kakayahan, at kapasidad na mamuno?

The issue in this election or any election is competence and track record. Why does he keep quiet on these issues?

Inapi raw sila. Ano naman ang natutunan niya sa karanasang ito?

Noong sinabi kong ako’y ipinanganak na mahirap, kaakibat nito ang leksiyong patuloy na mangarap sa kabila ng kahirapan. Nagsipag ako, nagtiyaga. Natuto akong makipagkapwa- tao sa mga tulad kong isinilang na salat sa oportunidad.

Bakit siya naman ngayon ang nang-aapi?

The issues he and his thousand advisers have hurled against me, have hurt not only me but my family and friends. Nasaktan na po ang aking pamilya, maybahay, mga anak, mga kapatid, at ang aking ina.

Paano mo sasabihin sa isang tindera ng hipon at isda na hindi talaga siya mahirap? Paano mo sasabihin sa aking mga kapatid na karangyaan pala ang magsiksikan sa isang banig at isang kulambo, gayung mas malaki pa ang kulungan ng aso ng isang haciendero sa aming tahanan?

Panahon nang basagin ko ang kanilang mga kasinungalingan. Utang nating lahat na mga kumakandidato, Nacionalista man o Liberal, na ipaalam sa taumbayan ang katotohanan.

Anak ng Tondo

Kasinungalingan ang kanilang paratang na hindi ako kailanman ipinanganak na mahirap.

Katotohan. Ako si Manuel Bamba Villar, Jr., isinilang sa 500 Moriones St. , Sta. Maria, Tondo Manila. Ang aking ama ay isang kawani ng pamahalaan, ang aking ina ay naglalako ng isda at hipon sa palengke. Siyam kaming magkakapatid. Nanirahan kami bilang mga squatters. Natutulog kaming siyam na magkakapatid sa isang makitid na banig sa isang maliit na kulambo.

Kapag umuulan tumutulo ang tubig-ulan mula sa butas-butas na bubong ng aming bahay. Kapag malakas ang ulan at bumabaha sa paligid ng aming tinitirhan, naglulutangan ang mga basura sa paligid. Wala kaming pakialam na naliligo sa ulan, lumalangoy sa baha.

Ganyan ang maging mahirap. Bata kami, walang mga ilog at beach sa kamaynilaan. Lalo namang walang swimming pool, jacuzzi, o bath tub sa aming lugar. Sabik kaming lumangoy kahit na sa dagat ng basura.

Hindi nila ito kainlanman mauunawaan.

Tindero sa Divisoria

Kasinungalingang mayaman daw kami kaya sa pribadong Catholic school ako nag-aral.

Katotohanan. Nag-grade 1 ako sa Isabelo de los Reyes elementary school. Kung mayaman kami, sana nag-nursery, kinder, at prep pa ako, pero hindi. Nag-drop out ako sa Isabelo de los Reyes, inaamin ko. Mas ginusto ko pang maglakwatsa at tumulong sa nanay kong magtinda sa Divisoria.

Ang sinasabi nilang Holy Child Catholic School ay dating maliit na paaralang itinayo ng mga pari para sa mga mahihirap. Malapit sa aming bahay, at walking distance lamang. Dun ako nag-aral. “Pribado” dahil hindi pinapatakbo ng pamahalaan pero hindi pribadong kagaya ng La Salle o Ateneo na alam natin ngayon.

Pag gabi, naglalakad kami ng nanay ko papuntang Divisoria. Bumibili kami ng ilang banyerang hipon para itinda sa palengke. Sa likod ng puwesto, sa isang makitid na bangko ako natutulog. Pag dating ng umaga, nagtitinda kami.

Buong buhay ng ina ko, nagtinda siya ng hipon. Bulag na siya ngayon, ngunit patuloy na naluluha sa tuwing maririnig niya ang mga kasinungalingang ipinapakalat ng mga taong kainlanman ay hindi mauunawaan kung paano maging mahirap.

Napakarami nilang nahagilap na dokumento, bakit hindi sila pumunta sa Divisoria at ipagtanong sa mga matatanda doon si Coring na tindera ng hipon, si Nanay Coring na ina ko? Bakit hindi nila puntahan ang mga batang kasama kong nag-swimming sa dagat ng basura o ang mga nakakita sa aking matulog sa gitna ng lansangan?

Katotohan ba talaga o paninirang puri ang motibasyon sa likod ng kanilang pag-iimbestiga?

Ang Aking Kapatid

Kasinungalingan at kalapastanganang kwestiyunin nila na kahirapan nga ang dahilan ng pagkamatay ng aking kapatid.

Katotohanan. Oo, naospital siya sa FEU. Oo, Funeraria Paz ang nag-asikaso sa pag-eembalsamo sa kanya. Alin diyan ang patunay na kailanman ay hindi kami naging mahirap?

Idinala siya sa FEU dahil may kamag-anak kami roon na maaaring tumulong upang mapadali ang pag-admit sa kanya. Dahil ba sa mahirap kami ay hindi na namin nanaising makatanggap ng magandang serbisyo ang miyembro ng pamilyang may sakit? Bakit hindi nila sinabing sa charity ward siya tinanggap?

Namatay siya sa Leukemia, sakit ng lahi namin. Nang mga panahong iyon, hindi namin lubusang nauunawaan ang ibig sabihin ng Leukemia. Lumalaki ang tiyan niya, at wala kaming sapat na perang pambili ng gamot. Ganunpaman, sa panahong kailangan na siyang itakbo sa ospital, iisipin pa ba naman namin na wala kaming pambayad? Iisipin pa ba naman namin na wala pang teknolohiya para sa bone marrow transplant gaya ng sabi ni Esposo?

Sa mahirap, ang cancer ay cancer. Sa mahirap, ang pamilya ay pamilya. Anuman ang sabihin nila, igagapang, ipagpapalimos, ipagmamakaawa ang isang kamag-anak na may sakit.

Nang mamatay siya, at nag-iiyakan kami, iisipin pa ba naman namin kung pang-mayaman o pang-mahirap ang funeraria na mag-eembalsamo sa namatay? Tatanguan nalang namin ang unang ahenteng lalapit, pipirmahan nalang ang unang dokumentong iaabot para lang maisaayos ang bangkay.

Sa bahay siya ibinurol, kasama ng kanyang mga pangarap dahil maaga siyang binawian ng buhay.

Kami na lamang ang nangarap para sa kanya. Ipinagpapatuloy naming ang pangarap na ito hanggang sa ngayon.

Binanggit ko ang kanyang kuwento sa aking commercial upang magbigay-inspirasyo n sa kapwa naming mahihirap.

They violated the memory of my brother by putting spins on our life and his death. This is what Noynoy Aquino and the Liberal Party call principled campaign. Cheap politics. Cheap politicians!

Hindi sila mga Diyos para magsabing bawal mangarap ang mahihirap!

Lupa sa Navotas

Natatakot kayong maniwala ang mga mamamayan sa aking kuwento dahil natatakot kayong maglakas-loob ang mga magsasaka’t mga kasama na pangaraping balang araw ay ariin ang inyong mga hacienda, ang lupang kanilangang binubungukal at pinagyayaman.

Minamana ninyo ang inyong mga lupain at ari-arian. Dangal lamang ang maipapamana ng mahihirap sa kanilang mga anak.

Nangarap ang aking pamilya, nagsipag at nagtiyaga. Ipinangutang sa gobyerno ang lupa at tahanang nilipatan.

Hindi ito kagaya ng San Raphael Village na binabanggit ni Winnie Monsod. Hindi ito exclusive subdivision noon, walang gate, walang guwardiya. Hindi sementado, hindi aspaltado. Isang kapirasong lupa sa Navotas, malapit sa Smokey Mountain , lubog sa baha tuwing umuulan.

Kasinungalingang sabihing patunay ito na hindi kami naghirap.

Ang katotohanan ay patunay itong unti-unti man ay nakaangat din kami at maaaring makaahon ang sinumang matapang na haharapin ang mga hamon ng buhay.

Sino Ang Tuta Ni Arroyo?

Ang katotohana’y naninira sila upang pagtakpan ang kahinaan ng kanilang kandidato. Ang katotohanang sa loob ng tatlong termino sa mababang kapulungan at kalahating termino sa senado ay walang naipasa ni isang batas si Noynoy Aquino.

‘Yan naman ang kanilang sagutin. Hindi ba’t trabaho ng isang mambabatas ang magpasa ng batas? Hindi ba’t nangako at nanumpa siyang gagampanan ang responsibilidad na ito, sa mamamayan, sa Diyos, at sa Konstitusyon ng Pilipinas?

Walang-bahala, iresponsable, at tamad, ipagkakatiwala ba natin sa kanya ang kinabukasan ng ating bayan?

Nasaan si Aquino nang iniimbestigahan ang Hello Garci? Hindi ba’t hinarangan niya ang pagpapatugtog ng Hello Garci tapes upang protektahan ang kanyang kaalyadong si Gloria Arroyo?

Mula sa fertilizer scam, Hello Garci, NBN-ZTE broadband, north at south rails, inimbestigahan ang mga ‘yan sa ilalim ng aking pamumuno bilang Senate President. Pinangunahan ng partido Nacionalista ang pag-iimbestiga. Nasaan sila noon?

Sa halip na tumulong ay nakiisa sila sa Administrasyong Arroyo upang palitan ako bilang Senate President. Opo, nakiisa si Noynoy Aquino at Mar Roxas upang tanggalin ako sa puwesto. At nang sila na ang nakaupo, inimbestigahan ba nilang muli si Arroyo? Hindi.

Ako daw ang sikretong kandidato ni Gloria, ngunit kaninong mga kamag-anak ang kasama ng mga Arroyo sa poder maging hanggang sa kasalukuyan? Hindi ba’t ang mga Cojuangco at mga Aquino?

Ilan sa mga dating miyembro ng gabinete ni Arroyo ang nasa grupo ngayon ni Aquino? Dapat bang paniwalaan na nanatili silang malinis sa kabila ng ilang taong paninilbihan sa isang tiwaling pamahalaan?

Ang C5 Road Extension

Mga hipokrito’t mapagpanggap, ako ang inimbestigahan nila sa halip na ang administrasyong kanilang kunwari’y pinupulaan.

Kung totoong may kinalaman ako sa diumano’y kontrobersiya sa C5 Road Extension, di sana’y sa husgado nila ako kinasuhan. Wala akong immunity kagaya ng isang Pangulo Gloria Arroyo. Madali akong maisasakdal kung talaga mayroon silang ebidensiya.

Sa halip ay pinulitika nila ang Senado. Ang mga taong nagtanggal sa akin bilang Senate President ay siya ring nagsabing may kinalaman ako sa C5.

In truth, like the Cojuangco-Aquinos, Araneta-Roxases, and Madrigals, these are the old-rich in Philippine society who cannot and will not accept that someone who comes from the ranks of the poor may just one day lead this nation.

Hindi kayang tanggapin ng mga naghaharing- uring mga ito na isang katulad kong dating mahirap ang mamumuno sa ating bansa. At upang huwag suportahan ng ating mga kababayan ang kagaya nilang hindi haciendero o nagmula sa angkan ng mga pulitiko, sari-saring dumi at baho ang kanilang iimbentuhin upang mapanatili ang kanilang mga pamilya sa kapangyarihan.

Babawiing Gastos sa Kampanya?

Napakalaki na raw ng ginastos ko sa kampanya. Babawiin ko raw ito kung sakaling umupo ako sa Malacanang.

Nangarap po akong maging Speaker of the House of Representatives, natupad ko na ito. Nangarap po akong maging Senate President, natupad ko na rin ito. Ang pagiging Pangulo na marahil ang pinakamatayog sa aking mga pangarap.

Nang mga panahong pinagsasaluhan ng aking pamilya ang kakarampot na pagkain sa mesa, nang mga panahong kailangan kong magbanat ng buto para makapag-aral, nang mga panahong may magkakasakit sa pamilya at wala kaming mahugot na pambili ng gamot --- nang mga panahon ding iyon ay pinangarap kong sana’y magkaroon tayo ng Pangulong kayang tumulong upang wakasan ang ating kahirapan.

Isinilang ang pangarap na iyon sa aking kamusmusan. Ngayong ako’y may sapat nang kakayahan upang tuparin iyon, bakit ko tatalikuran ang pagkakataong makapagsilbi sa mga taong katulad ko’y nangarap ng isang mas magandang bukas?

Hindi ako isinilang na anak ng isang pangulo’t isang bayani, ngunit sa aking mga mata’y wala nang hihigit pa sa kadakilaan at kabayanihan ng aking mga magulang.

If an haciendero can claim to never besmirch the legacy of his parents, why can’t a Tondo boy say the same?

Bakit ko rin yuyurakan ang ala-ala ng aking ama? Bakit ko rin sisirain ang pangalan ng aking inang bagama’t bulag ay makikita pa rin kung ako ay naging mabuti o masamang pangulo?

Hindi ba’t sa isang anak ay magkasing-halaga ang sakripisyo ng isang Cory na pangulo ng Pilipinas at isang Coring na tindera sa Divisoria?

Gumastos ako upang magpakilala. Ginastos ko ang salaping aking pinaghirapan mula pa pagkabata.

Hindi ako nangungutahang- loob sa mga campaign contributors. Wala akong kailangang pagbayaran sakaling maging pangulo. Ilang mga pulitiko, mayayamang pamilya, at mga kamag-anak ang kailangang pagbayarang- utang ng isang Noynoy Aquino?

Kung may pinagkakautangang- loob man ako, ito ay ang mga kasama kong lumaki sa Tondo at kasamang nagtingda sa Divisoria na nagsilbing inspirasyon sa aking kinatatayuan sa kasalukuyan.

Hindi gaya ni Noynoy, mayroon akong mga anak. Dangal at magandang pangalan ang gusto kong ipamana sa kanila.

Hindi ako magnanakaw!

Hindi Magnanakaw

Sabi niya sa kanya ang mga linyang ito?

Nagnakaw na po siya simula nang naging maging bahagi at nakinabang siya sa isang pamilyang nagkait sa mga magsasaka ng Luisita sa lupang sila dapat ang nagmamay-ari.

He was a Congressman, he is a Senator. Why didn’t he do anything?

Dapat bang paniwalaan ang pangako niya ngayong tumatakbo siyang pangulo gayung naging bulag, bingi, at tamad siya sa lumipas na napakaraming mga taon?

Ang mambabatas na walang ipinasang batas ay pangulong hindi kayang panguluhan ang bansa.

The Luisita farmers shall have their land not under another Aquino regime. They shall have it under my presidency!

Ang Isyu

‘Yan po ang isyu sa eleksiyong ito at hindi ang paninirang-puring patuloy na pinagkukublihan ng salat sa kakayahan.

Kasinungalingan ang sabihing may sinseridad mamuno ang isang kandidatong hindi namuno at nanilbihan ng tapat sa mga posisyong kanya nang nahawakan.

Kasinungalingang sabihing mamumuno ng mahusay ang taong walang track record.

An incompetent cannot run a government. His advisers will do that for him. Ang isang mangmang ay paiikut-ikotin lamang ng mga buwitreng nakapaligid sa kanya.

A vote for Manny Villar is a vote for Manny Villar. A vote for Noynoy Aquino, is a vote for his thousand advisers.

Laban ito ng isang Tondo boy sa isang haciendero sampu ng kanyang mga kamag-anak, alipores, at tagapagpayo.

Sa tulong at tiwala ninyo, hindi ko sila uurungan.

6 comments:

  1. Dr. De Vera,

    I am a government employee, we play by the rules. Our understanding of "Conflict of Interest" is exactly different than that of Manny Villar explaination in his C5 primer.

    Can you enlightened me and other readers on your view regarding Conflict of Interest.

    Because we are worried, that if Manny Villar explaination of Conflict of Interest will be cascaded, this might introduce new set of rules in public service.

    On one side, we can subscribe to his definition and be a millionaire soon. Anyway following Villar path is "MALINIS NA PARAAN" naman din naman di ba.

    You Sir can you honestly believe that Manny Villar is not guilty of conflict of interest.

    We already read, Joker Arroyo speech in 1999, Senate Resolutions on Manny Villar both pro and anti, Villars C5 Primer, Monsod C5 Comparison. Maybe your version of CONFLICT OF INTEREST can complete the answer we are looking for.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. The poor need a passionate representative,
    not a brilliant leader (like Gordon, Gibo);
    someone born poor, not an actor (like Erap).

    Diego Odchimar

    ReplyDelete
  4. Was it not Villar, himself who desecrated the memory of his dead brother when he made him a campaign spiel? Was it not Villar, himself, who claimed in his campaign ad that his brother died because they did not have money to spend?

    Nobody would have 'questioned' the circumstances of Daniel's death had Villar not claimed that he died because they did not have money to spend for his medication. Leukemia is lethal as it is. Villar's brother died because of leukemia and not because of poverty.

    ReplyDelete
  5. anonymous..

    you have obviously fallen for the media spin and villification campaign against villar.

    His brother dies of leukemia, yes. But did we know leukemia in the 1960's? There was no alzheimers then (we only called it "ulyanin na") and many sickness that we know now was not as clearly known by people then, especially the poor. I have a niece who died on leukemia when I was in high school, and we didnt know what that meant then (and I was a student of quezon city science high school so i was supposed to know my science) when one is sick, one is sick, a parent will try anything and everything to bring his/her son to a hospital, yes even a private hospital, in the hope that he will get well. I know of many poor people who bring their children or parents to private hospitals in times of crisis, knowing fully well they dont have money, and then they borrow or beg around for it.

    In my work in the Senate I come across so many requests for financial assistance from poor people who have their sick children in private hospitals. Do I tell them I cant help them and that they should have brought them to a public hospital.

    This kind of thinking is an elite, class A&B type of mentality. It is not desecration of the dead. I dare anyone to go talk to the old neighborhood of Villar in Tondo now and ask around. Or ask the poor if they would have done the same under the same circumstances.

    ReplyDelete
  6. Napsky,

    You have raised a very valid point which may require another blog.

    "Conflict of interest" is very important and crucial in governance. Unfortunately, we havent defined it in law in so far as actions of legislators are concerned.

    In its strictest form we would demand that no legislator propose or undertake any project in his/her district where he/she will "directly of indirectly benefit".

    If we would do this, I would say almost 100% of legislators would be guilty. There would be no projects in their area from their pork barrel, and no projects from line departments that were implemented there upon the urging of legislators.

    Members of the House of Rep routinely lobby departments for projects in their district, there simply are too many needy communities and too few projects so every legislator tried his best to get some for his district. Do they benefit from it? Absolutely. Is this conflict of interest? Yes. Any improvement in their areas increases land values, allow business to be built (of which many are owned by congressmen), or bring new income (such as putting a branch of a govt agency there like LTO who will rent office space from, yes, a building owned by the congressman).

    The pork barrel of course benefits legislators, yes even the good ones because it brings them votes come election time.

    Many senators, including those accusing hi, have authored laws creating special projects in their areas where they also directly benefited.

    Then maybe you can reduce the scope a little bit and say its ok for them to get projects or implement pork barrel projects as long as they are not the contractors or don't get kickbacks out of it.

    Under this limited definition Villar is innocent. He proposed the realignment, land values went up and he profited from it (which he argues in consistent with existing law) but he was not involved in the project.

    In the absence of a clear law, and little disclosure in many government projects, guilt in this case is very difficult to place.

    ReplyDelete